Wednesday, February 25, 2009

Farewell Ronald a.k.a Radiskull




Maaring hindi mo kilala si Ronald. Kung hindi ka nagagawi sa PEX, hindi mo rin alam kung gano kakulit si Radiskull mag post sa forum. At sa tingin ko, di mo rin mararamdaman kung gaano namin ikinabigla ang bigla nyang paglisan.

May 2 taon ko na rin nakila si Ronald (Yoy). Mahilig kase kame sa dinner na may inuman (kaya nabuo ang DSIG - Dinner Sabay Inom Gang). Active pa ako sa ganun dati dahil sa Makati pa ako nagwowork. Nun nalipat ako sa Alabang, di na ako masyado nakakasama pero I make it a point na kung may oras din lang ako, pupunta at pupunta ako.

Isa sya sa mga makukulit na tao na nakasama ko. No dull moments ika nga. Masayahing tao at di mo aakalain na meron palang dinaramdam. Itinago nya sa ibang mga kaibigan ang tunay na nagaganap sa mundo nya dahil na rin siguro ayaw nyang magalala kame sa kanya. Ayaw din nya siguro ng special attention. Marahil ayaw din nya isipin na sa gitna ng pagpapatawa nya ay nagaalala kame sa kalagayan nya.

Natanggap ko ang balita kay Saint Destroyer (Ceasar). Isang kaibigan din sa PEX. Hindi pa ako makapaniwala. Kaya tinext ko pa si Ay Ako Ba (Helen) na kasalukuyang nasa flight pauwi dito sa Manila. Ikinibit balikat ko muna since wala pang confirmation. Hapon na ng magreply si Ay Ako Ba. Wala pala siyang alam sa naganap. Kinailangan nyang tawagan un doktor na tumitingin kay Yoy. At dito namin nakumpirma...

Humahagulgol na tumawag ulit si Helen sa akin. At dahil nasa van na ako papunta sa trabaho, di ko magawang sabayan siya sa pag iyak nya. Pero may kumirot. Gusto ko ring umiyak.

Hindi ko akalain na un birthday ni Helen last year ang huling pagkakataon na makakasama ko sya. Di ko man lang sya nadamayan nun mga panahong kailangan nya ng magpapalakas ng loob nya at magbibigay sa kanya ng lakas ng loob. Di ko man lang nasabi sa kanya na naappreciate ko mga hirit nya at mga kalokohan nya kapag magkakasama kame. Higit sa lahat, hindi ko napatunayan sa kanya na isa ako sa mga tunay na kaibigan nya.

Sa ngayon, ang naiwan nya samin ay ang mga masasayang alaala. Ang tanging magagawa na lang namin sa ngayon ay ang ipagdasal na maging mas masaya sya kung san man sya naroroon. Naway mapaligaya din nya ang bawat taong makakausap niya dun tulad ng ginawa nya samin. At sana malaman nya na talagang mamimiss namin sya.

Goodbye Yoy!!! We will always miss you!!!


Happy Yoy pics...



2 comments:

The Gasoline Dude™ said...

Anlungkot. =_ C

Hindi ko maalala kung nasaan 'yung mga pics natin nung berdei ni Eych. Mahanap nga din mamaya.

Jiltedsummer said...

nsa multiply nya un mga pics e. bigyan mo ko link sa mga pics mo.

di na ako makakapunta sa lamay nya kaya ito na lang ginawa ko.