Friday, January 09, 2009

When to Stop...

1. Kapag kumakanta at masakit na ang lalamunan kakabirit. Wag ng antayin na mapatid ang litid.



2. Kapag sumasayaw at umatake na ang rayuma at sakit sa kasu-kasuan. Mawawala ng tuluyan ang career.




3. Kapag nagaaral at nararamdaman mo na namamaga na ang utak mo kakaisip at kakamemorize. Tigilan na, baka maputulan ng ugat - tigok!



4. Kapag kumakain at nakikita mong para ka ng nakalunok ng pakwan. Daig mo pa ang nagbubuntis ng kambal.




5. Kapag nagtatype sa blog at parang nakadikit na ang mga daliri mo keyboard o di kaya e hanggang mawala na ang mga letra nito.




6. Kapag nakikipagkwentuhan sa mga kabaro at kachokaran nang walang humpay at kung saan-saang direksyon na tumatalsik ang laway mo. Mala-asido pa naman yan...




7. Kapag naghihilod ng katawan kapag naliligo na parang gusto mo ng makita ang buto mo sa kakakuskos. Sayang ang libag. Wala nang pagtataniman ng kamote.



8. Kapag nakikipaginuman at di mo na alam kung san mo naiwan ang celfon at wallet mo. Minsan style din ito ng mga taong wala naman talagang pambayad. Magkukunwari na lang na laseng at nanakawan para di na pagbayarin. Tsk, tsk, tsk...




9. Kapag wala ka ng nakikitang dahilan para ituloy pa ang isang relasyon dahil wala ka namang nakukuha dito kungdi puro sama ng loob... (ouch! patamaan ba ako?!!!)

No comments: