Sunday, February 08, 2009

My Wacky Kid goes Weak

My 9 year old kid has been having LBM since Friday. Though the frequency had already lessened as of yesterday. Nakakahiya man sabihin pero di ko kase masyado sineryoso nun pagkauwi ko ng Friday morning, akala ko kase titigil din un LBM nya after he took some medicines. In short, after a few hours upon arriving, tinulugan ko na sya. Kampante na kase ako na since nakainom na sya ng gamot titigil na sya.

Then I woke up with a loud sound!Followed by a scream! Napatayo ako ng walang kapungas pungas at tumambad sa aking paningin ang anak ko na nakahiga sa sahig.Dahil di ko alam ang nangyari, agad ko syang tinayo at isinandal sa upuan. Wala pala syang malay. Dun ko na lang narealize na nagpass out pala sya. After a few seconds, dumilat na sya at sinabi nya sakin na umiikot paningin nya at wla sya marinig. Natakot ako, wala pa ako kase naexperience na ganito. Pero pinilit kong kumalma kahit naiiyak na ako. Mababaw din kase ang luha ko. Nagtapang-tapangan na lang ako at inisip ko agad kung ano ang dapat gawin. Binalik ko sya sa pagkakahiga para makapagpahinga ng tuluyan.

Bigla ako napaisip, napabayaan ko na pala sya. Siguro sa dami na ng nailabas nyang dumi hindi na nakayanan ng katawan nya. Di ko masisi un kasama ko sa bahay dahil busy din sya sa gawain bahay. Kaya bigla ako naguilty...

"Ayaw ko mamatay", sabi nya sakin. Syempre, inassure ko sya na di sya mamamatay. Nag "i love you" sya sakin, sabay yakap... di ko napigilan... napaiyak ako. Di na ako nakasagot, kadalasan kase sasabihan ko rin sya ng " i love u", pero dahil umiiyak na ako mas pinili ko na lang na yumakap sa knya para hindi nya makita na umiiyak ako. Ayokong makita nya, dahil alam ko ako ang magbibigay sa kanya ng lakas ng loob sa sitwasyon na un. Pero kung alam lang nya, na kung natatakot sya mas natatakot ako.

It was a very touching moment... Narealize ko kung gano ako kamahal ng anak ko. Naghahanap ako ng pagmamahal sa ibang tao, halos manlimos ako ng pagmamahal. Un pala sa anak ko na lang makukuha un pagmamahal na hinahanap ko...



At Enchanted Kingdom, Feb 2008

2 comments:

Mac & Hubbee said...

very touching nga... hope he recovers fast...

Jiltedsummer said...

thanks TL. nangayayat na sya. pero somehow im glad cuz it taught him a lesson. he is not careful. di na nagtatakaw na parang wala ng bukas kung kumain... ahehhe...