Sunday, December 27, 2009

Wedding and Reunion




Sa mga di nakapunta sa wedding ni Topher, you missed the fun and the joy we witnessed during the celebration! Bleah!
December 26, 2009, Manila Cathedral, Intramuros. It was a perfect weather for a wedding. Pero bago tayo mapunta sa kasal, marameng bloopers ang nangyari.

Meeting place is in Balibago, Jolibee. After waiting for Arcee, Hennie, Mel and Rose we decided to pick Vina at her place. Ang Vina, di sinipot ng make up artist na dapat mag memake up kay Issey, her daughter, since kasama sya sa entourage. Kaya ang Vina, 6am nangatok ng parlor in their subdivision. And guess what! Nakakita sya ng parlor na slightly open na that very early. Eto ang catch, di sya talaga parlor! Barber shop sya na half parlor! Wahehehe!!! Buti na lang, may bading na stay in dun. Ginising nun mama un bading at sinabi na may customer sya at ayun, mega tayo ang bading at pagkalabas ng maliit na kurtina, may hawak ng blower si bading!!! Taraan!!! Walang hilamos at walang mumog mumog!!! Wahehehe!!!

Di na pede magpakachoosy si Vina at wala na syang choice, kaya ayun. Samakatuwid, naayusan naman si Issey. Good grief!

Habang naghihintay kame ng tropa sa bahay ni Vina, biglang nagtext sakin si Alex. On the way na daw sya. Since wala na kame sa Jollibee, sabi ko dumerecho na lang sya sa Walter Mart, at dun na lang namen sya pipick up-in dahil nakaalis na nga kame sa Jollibee Balibago at mas madali since malapit dun sa place nina Vina. Alam nyo ba ang sagot nya sakin? " Sang Walter yan? May Walter Mart ba sa Pacita?"

Nagpapatawa ata itong si Alex. So sinagot ko sya, "Sino naman may sabi sayo sa Pacita ang meeting place?". At ang shocking revelation, " IKAW!!! Tinext mo sakin kagabi sa Jollibee Pacita!!"
Nanginig ang katawan ko sa sobrang pagkashock! Napa OMG ako to the highest level! Ako pala ang may sala! Di ko man maalala na un ang tinext ko, di ko rin makita sa sent items ko na un nga ang message ko. Then na realize ko na pupungas pungas pa ako nun nagsasagot ako ng text messages yesterday. Tulog nga kase ako ng pasko. Ahehehe. No choice tuloy kame kung di balikan si Alex sa may Southwoods at dun na lang sya pick up-in.

Malinaw na sana ang usapan, sa toll gate siya baba. After 5 minutes of waiting, we called her up. On the way na daw sya. Kung ano anong subdivision na nga daw ang dinadaanan nya. So kampante na kame. After 5 minutes, wala pa rin ang Alex. Tinawagan ulet namen. Shet! Cannot be reached na! Eto ang second OMG ko to the highest level!!! It was almost 8 am and we couldnt bear to wait that long dahil 9 am ang wedding. 3 na kame kumukontak sa kanya. Talagang patay pa rin ang phone nya.

Nagpakatulala muna ako. Habang naghihintay ng Alex na bumungad sa harapan ko, nagiisip din ako kung hihintayin pa nga rin namen sya. Hanggang sa, nakatanggap ako ng text from her. Ang lola pala ay nakasakay sa jeep na pa-Alabang! Hindi yan dadaan ng Southwoods! Another OMG!!! Ahahaha!!

At dahil dito, nauna na lang kame at si Alex nagcommute na lang to Intramuros.

Nagkita kita rin kame pagdating sa simbahan. Ito na ang reunion.

L to R: Me, Alex, Rose, Hennie, Issey and Vina

L to R: Mel, Rose, Me, Henry, Issey, Hennie and Vina

L to R: Vina, Mel, Hennie, Issey, Henry, Rose and Arcee.


First row: Henry's mom, Hennie and Mel, Rose, Alex and Vina.
Second row: Me, Arcee, Gladie with Gaea and hubby Alvin.


L to R: Henry, Hennie, Mel, Rose and Alex

Pagkatapos ng Sakalan, este Kasalan derecho kame sa reception - sa Ilustrado. So Spanish right?

Dito nagkahiwahiwalay na kame. Naunahan na kase kame kaya no choice kung di makisingit na lang sa mga mga bakante. But at least kasama ko pa rin si Vina.Pagkatapos ng kainan. Balik sa tradition, ang Wedding garter.




Ang catch, kailangan nilang mag limbo!!! So patigasan ng tuhod ito!!! Aheheh!!! Ang Arcee, magaling tumakas, nakapuslit!!!


This is Jake, trying his luck!



Sa mga girls naman, may twist din. "Hep! hep! Hooray!" naman ang game. Pero this time, "Chris" and "Marie" ang sasabihin. So eto kameng lahat ng "contestants" with the bride.



And guess what? Nakalusot ako! Buti na lang nakapagpractice ako sa office kapag may ganitong game!! Ahaha!!! Kinarir ko ba talaga? Hmmm... Di naman, di ako masyado pinagdiskitahan ni ateng host e. When we were down to 3 na... ito na ang drama...


Kailangan hilahin ang ribbon sa bouquet ni bride. Sa 3 ribbon na yan, isa lang talaga ang nakadikit sa bouquet. Effort si ateng nasa right sa paghila di ba? Ahehehe!!! Ako, nagdadasal na ako jan... na sana wag ako!

At ang kinalabasan...

Tadaan!!!


Ako ang biktima!!!




Di pa jan natapos yan... May ganitong eksena pa!


At ng natapos na ang ganitong kaganapan, more bonding na kame with the groom. Nagalisan na ang lahat ng tao pero naiwan pa kame... at nilamutak namen ang wedding cake!!!










There you go. It was really worth it. Actually, kahit na pauwi na kame sobrang saya pa rin namin. We started reminiscing our high school days and we got the chance to update ourselves with the latest. Bitin pa nga e. Walang traffic kase kaya saglit lang byahe namen. Sana magkaroon pa ng maraming ganito. And prove that our friendship can stand the test of time.

No comments: