Kakornihan minsan kung iisipin na isang tao sa edad ko para magdiary pa. Ewan ko... Nakasanayan ko na yata. Simula ata grade 6 ako, nakaugalian ko na magdiary. Lalo na kapag may lovelife ako or may someone special, gusto ko naisusulat ko siya. Katwiran ko, minsan gusto kong balikan ang mga masasayang alaala at kung anu ano pang nangyari sa akin. Un mga kilig moments, un mga oras na humahanap at gumagawa ka ng paraan para lang mapansin ka nya, etc etc. Nakakatawa pa nga kase kapag binabalikan ko, may mga English barok pa ako. Pero paano kung sa di inaasahang pagkakataon e may makabasa ng diary na ito?
Malapit sa buhay ko ang nakabasa ng diary ko. Pero siya un taong di ko inaasahang magbabasa nito. At sa lahat ng taong pwedeng makabasa nito, wag sya. Kase malalaman nya lahat ng baho ko, lahat ng kasinungalingan ko at lahat ng kalokohan ko.
Sino???
Ang mudra ko!!!
Paano ko nalaman? Sa ate ko. Sa kanya naibuhos ng nanay ko ang lahat ng inis. Dahil nalaman nya na nagsinungaling ako sa kanya at nagawa ko sya lokohin sa maraming pagkakataon . Yun mga panahon na sinabi ko na may meeting ako sa work, or may team building, or may seminar na sa katotohanan e nasa ibang parte ako ng Pilipinas o di kaya may kasama mga kasama ako. At yun, chinismis din ako. Kaya, 2 na sila na nakakaalam ng mga sikreto ako. Although, alam ng ate ko un ibang mga katarantaduhan ko, pero meron ding iba na pinili ko na lang talaga na sarilinin. Ayoko rin kase masira un tiwala sa akin ng ate ko, at the same time, alam ko na mataas din ang tingin ng ate ko sakin... Not until this happened.
Hindi naman ako kinumpronta ng nanay ko. Ayaw na lang siguro nya palakihin. Ayaw na lang din nya siguro magalit at wala naman na kase magagawa dahil matagal na nangyari ang mga kalokohan na yun. Ganun pa man, kung may natitira pa siyang tiwala sakin, malamang nabawasan na naman un. All this time hirap na hirap akong ibalik ang tiwalang iyon, pero sa pagkakataong ito, alam ko hindi ko siya masisisisi.
So ang lesson....
Wag ng mag diary!!!
3 comments:
Oo. 'Wag mag-diary. Mag-blog na lang. LOL
Ay!hehehe....sa susunod ang kunin na diary yung de-padlock!lol
magsulat kaya ako sa diary ko tungkol sa pagbabasa ng diary ng may diary, effective kaya un para di na sya magbasa ulit? ahehehe!!!
Post a Comment